Nagmahal – Nasaktan – Umaura sa Sagada ๐Ÿ˜‚

โ€‹Sagada, Mt. Province Nov. 18-20, 2016

How to perfectly third wheeling and moving on at the Hugot Capital of the Philippines – SAGADA in a budget friendly trip! Oo bes sa Sagada ka pupunta kung gusto mong magmove on mula sa ex mong kinain na ng sistema ng “it’s not you, it’s me!” at mas ramdam mo ang pait ng pagiging single dahil sa kasama mong couple na sinampal ka sa katotohanang mag-isa kana lang talaga ๐Ÿ˜„  bago ka sumabak sa 12hours na byahe pasagada dapat meron ka ng itinerary para dika magmumukang tanga pagdating mo dun di tulad ng ex mong pinalunok pa sayo ang salitang tanga ๐Ÿ˜‚ i suggest na sa Coda lines kayo sumakay. Derecho sagada na bes, wala ng masyadong stop over. Dadalhin ka kagad sa place of moving on. Dapat handa din di lang ang puso mo bes pati katawan! Kase bukod sa bugbog ka sa 12hrs na byahe mapapagod pa ang katawang lupa mo sa mga activities na gagawin pagdating dun. At real talk sobrang lamig talaga. Nasa good condition dapat ang puso at katawan mo sa lamig na yayakap sayo at magsisilbing tigapagsanay mo sa coldness ng sagada para masanay kana din sa panlalamig ng ex mo na mas mababa pa ang temperatura kesa sa Sagada ๐Ÿ˜‚

Bes sapat na 3days and 2nights para iwanan mo ang pait at sakit at magenjoy sa sagada. 


Activities to do in Sagada:

1. Sumaguing Cave – kasing dilim nung mga panahong fresh pa sayo ang lahat ng nangyare. Pero katagalan habang pinapasok mo sobrang ganda pala sa loob. Parang pagmomove on mo, slowly but surely atleast umaabante ka at narerealize mong mas maganda padin ang mabuhay ng puro happiness lang. Andaming kwento ng tour guide namen, meron daw nakatirang king, queen, prince at princess sa loob. Depende nalang sayo pano mo iinterpret yun kung green minded ka or hindi ๐Ÿ˜€

2. Trekking to Bumok-od falls – grabe bes! Naubos binaon kong powers ditey! Di ako prepared!!! Wala pa kame sa kalahati nagsisi nako! Di bale ng di makamove-on wag ko lang uulitin to! Charot! Ansakit sa legs bes! ๐Ÿ˜‚ pero super ganda ng view kahit ilang beses ako nadulas at natusok ko ng 5 beses yung paa ng tour guide namen ng patpat na hawak ko, worth it naman. At wala ng mas wowowrth it pa pag narating mo na ang Bomok-od falls! Bago ako nakalusong sa tubig gumawa muna ako ng eksena bes, nadulas ako at bumaldog sa mga malalaking bato! Ansakit. Sobrang sakit bes. Hindi ako nakahinga ng ilang seconds sa kirot ng likod ko. Parang nung mga gabing iyak ka ng iyak dahil dimo matanggap na iniwanan kana lang sa ere at bumagsak mag-isa. Grabeng lamig ng tubig. Nakakagising ng diwa na iniwanan kana talaga ng ex mong nakahanap na ng iba ๐Ÿ˜‚ 

3. City tour – city tour na dinala lang kame sa simbahan at sementeryo. At di na naman ako naorient na may trekking padin papuntang Hanging coffins! Dipa rin pala tapos ang paghihirap! Umaatikabong akyat baba na naman sa bundok na madulas at maputik. Pag nakita mo naman na ang mga hanging coffins ang creepy bes! Mejo mabigat sa pakiramdam, or baka feeling ko lang yun. Parang nung kame pa akala ko mahal pa nya ko hindi na pala ๐Ÿ’” 

4. Lastly, hindi makukumpleto ang Sagada tour mo kung hindi mo napanood ang sunrise sa Kiltepan view point, Sagada ( kung saan sumigaw si Angelica Panganiban sa movie nyang That Thing Called Tadhana) 5am palang nakaabang na kame. Nakipagbakbakan na naman ang mga virgin nameng katawan na di sanay sa sobrang lamig sa Kiltepan. Grabe 6:25 na nagpakita si Sun my friend! Nagpabebe muna nagtago pa sa ulap. Ngawit na ngawit na kame kakaantay ng pagrise nya! At crossed my heart sobrang ganda nakakaspeechless! Narealize kong sobrang ganda ng mundo na dapat ko pang iexplore at wag magmukmok sa bahay dahil broken hearted ka! Wag ganun bes, lumabas ka! Show the world that you can stand up again!!!

Agahan nyo ang alis sa Sagada bes para makapaglibot pa kayo sa Baguio  ๐Ÿ˜ƒ

Kaya mga bes travel lang ng travel mas masaya kesa may jowa ka ๐Ÿ˜„ puro happiness lang walang heartaches!!! Kaya wag kayong manghihingi ng love advices saken dahil I promote break-ups! Charot! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

See pictures para maamaze ka ๐Ÿ˜ƒ


love,

WanderJessaโค๏ธ

Published by

wanderjessa

Breath-taking places? let's go!!! join me on my adventures in witnessing beautiful places all over the world!

Leave a comment